WIKA: DAAN SA PAGKAKAISASinasabing “ang wika ang kaluluwa ng ating bansa”. Dahil ang wika ay bahagi ng ating kultura. Isa sa mga rason na nagkakaisa ang mamamayan sa ating bansa. Nagiging daan din sa ating pagkakaintindihan. Kahit anong lebel natin; mapa elementarya man, kolehiyo o sekondarya, ay masasalubong natin ang Asignaturang Filipino na siyang nagiging gabay para mapayabong at napapalalim ang ating pagkakaintindi sa Wika Filipino Hindi dahil sa Ingles kaya nagiging maunlad ang isang bansa kundi sa pagsisikap na payabungin at tangkilikin ang sariling atin. Kaya nararapat lang na mas ipaunlad natin ang ating kaalaman sa ating wika dahil kung wala ito, wala tayong pagkakakilanlan. Identidad ng mga Pilipino, tungo sa malawakang pagbabago, mahalagang pag-aralan upang umunlad ang kinabukasan Kamangmangan ay binitawan dahil sa aral na sa aki'y nakalaan ang aking komunikasyon ay nabigyan ng kalinawan Wikang Filipino paunlarin upang saganang buhay ay maangkin ito ay palaging gamitin at bagong kaalaman ay maangkin Wikang Filipino sa aki’y naghatid ng pag-unawa Dulot na karunungan, kamangmangan napalaya Nadadala kahit saan, sa usapin nakahanda Ginagamit ng mga bata, pati ng matatanda Tila pagpapaunlad sa wika ating inilustay Sa dayuhan humanga, kaya nawalan ng saysay Mas binigyang halaga ang wikang hiniram Nawalan ng dangal kaya walang alam Wikang kinalakihan, ating nakasanayan Sasalhin na dadalhin hanggang sa kamatayan Ang di marunong gumamit ng sariling wika, Walang kwenta ang kaniyang inaadhika
0 Comments
|