PAGTIBAYIN SA PANAHON NG KAHIRAPAN"Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan", Ito ay isa sa mga sikat na salita mula kay Gat Jose Rizal. Ang mga kabataan ang ating pinahahalagahan upang maging maunlad ang kinabukasan. Sa panahon ng kahirapan, sa anong banda natin nakikita ang halaga ng ating wika? Kahirapan ang dahilan kung bakit tayo nagkakawatak-watak ngunit kahirapan rin ang naging dahilan upang tayo ay bumabangon sa tulong at sa pagkakaroon natin ng sariling wika, ang Wikang Filipino. Sa panahon ng kalamidad at sakuna, sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya, sa panahon ng KAHIRAPAN, paano ito nasusugpuan ng ating wikang Filipino. Patuloy nating inaalagaan ang ating wika, Dito kumukuha ng malaking pundasyon si Juan de la Cruz upang makisalamuha sa iba. Ang ating wika ay nabuo sa pakikipagsapalaran ng ating mga ninuno sa mga banyaga. Isang malaking bagay ang matuto ng wikang Filipino, Ang pagkakaruon ng wikang Filipino ay mahalaga sapagkat ito ang gumagabay sa ating buhay upang umunlad. Sa panahon ng kahirapan, nasaan ang ating pagkakaisa? Ang ating wika ay sumisimbolo ng pagkakaisa ng mga personalidad noong unang panahon sa pakikisalamuha ng mga Pilipino sa mga banyaga. Ang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas, ginagamit natin ito sa pagkakaroon ng mabisang komunikasyon sa bawat isa. Sa panahon ng mga banyaga, nalugmok ang estado ng mga Pilipino at nagkaroon ng malaking Kahirapan. Ang kahirapan ay nagsisilbing daan tungo sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino pero, ang kahirapan ang susi upang magkaroon ng Pagkakaisa ang bawat Pilipino. Sa kabila ng pakikipaglaban ng ating mga bayani noong unang panahon sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa pagpapalaganap at pagbibigay ng impormasyon, isang mahalagang pangyayari ang pagkamit natin ng ating kasarinlan. Maraming dinanas ang ating mga bayani sa pagkamit ng kalayaan, kasabay nito ay ang pagbabago sa ating wikang pambansa, ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay ang ating identidad. Pahalagahan at pagtibayin sa panahon ng kahirapan. Hindi natin maikakaila na kung hindi dumating ang malaking kahirapan sa Pilipinas hindi natin matatamasa ang sarap ng kasalukuyan sapagkat itinuring itong isang malaking hamon sa pagpapaunlad ng buhay Pilipino. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at ito ang pagbabago sa lipunan at pagsugpo sa kahirapan. Ang wikang Filipino ang sagot sa kahirapan. Ito ay subok na ng mga nagdaang mga bayani ng bansa. Sa panahon ng kahirapan, huwag sana tayong magkawatak-watak at gawin natin itong hamon upang malampasan ang anumang problema, palagi dapat itong isa-isip na dahil sa ating wika, nagkaroon tayo ng kalayaan lalo’t na sa pagkakawala natin sa pagkakabilanggo sa Sistema ng kahirapan. Ang pagiging marunong sa Wikang Filipino ay hindi lamang para sa ating komunikasyon kundi para rin sa ating ekonomiya. Sa panahon ng kahirapan, dapat nating isaalang-alang ang konsepto na ang wikang Filipino ay ang dahilan ng pagkakatanggal ng kahirapan sa likod ng mga mamamayan noon, na ito ay isang simbolo ng pagkakaisa ng mga pilipino at dahil sa malaking pagbabago, madaling lampasan ang mga suliranin ngayon sa pamamagitan ng pagpapatibay ng wikang Filipino sa panahon ng kahirapan.
1 Comment
|
Pangkat ApatKami po ay pangkat Apat, Gumagawa ng Blog Para sa Lahat! Mula sa Agusan Del Sur National High School Baitang IX ng Pythagoras! ArchivesCategories |